Teachers’ League ng University of Yangon, tutol sa military coup

2021-02-03 11:33:02  CMG
Share with:

Tutol ang Teachers’ League ng University of Yangon sa mga kaganapan sa Myanmar ngayon. Nitong Martes, Pebrero 2, 2021 (local time), ipinahayag ng grupo na di-katanggap-tanggap ang paglulunsad ng panig militar ng coup d’etat at pagdakip ng mga opisyal ng pamahalaang inihalal ng mga mamamayan. Tatanggihan din  ng nasabing samahan ang pagsasagawa ng anumang pakikipagkooperasyon sa panig militar.
 

Nanawagan din sila  sa lahat ng mga tao na kinabibilangan ng mga monghe, guro at estudyante na magkaisa para ipagtanggol ang demokratikong proseso ng bansa at magkakasamang tutulan ang pangangasiwa ng pamahalaang militar.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method