20, positibong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Pebrero 4; 6, domestikong kaso

2021-02-05 15:11:09 CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 20 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Huwebes, Pebrero 4, 2021.

Kabilang dito, 6 ang domestikong kaso, samantalang 14 naman ang galing sa labas ng bansa.

Hanggang magha-hating gabi ng Pebrero 5, 1,304 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Salin: Vera

Please select the login method