Sa kanyang TV speech nitong Huwebes, Pebrero 4, 2021, pinasalamatan ni Pangulong Emmerson Mnangagwa ng Zimbabwe ang donasyon ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ng Tsina.
Saad niya, ihahandog ng pamahalaang Tsino ang 200,000 dosis ng bakuna laban sa COVID-19 sa Zimbabwe. Ang nasabing pangkat ng bakuna ay ipagkakaloob ng China National Pharmaceutical Group o Sinopharm, at libreng ituturok sa mga mamamayang Zimbabwean.
Dagdag niya, babakunahan ng kanyang bansa ang di-kukulangin sa 60% ng populasyon, upang maisakatuparan ang herd immunity.
Salin: Vera