105,394,301, kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo

2021-02-08 16:33:43  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa World Health Organization nitong Linggo, Pebrero 7, 2021, umabot na sa 105,394,301 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
 

Kabilang dito, 432,332 ang mga bagong naidagdag na kumpirmadong kaso.
 

Samantala, 2,302,302 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Salin: Vera

Please select the login method