Sa panayam ng CNN Philippines nitong ika-5 ng Pebrero, 2021, ipinahayag ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas na alam na alam ng Tsina na ang COVID-19 vaccine ay top priority ng Pilipinas. Sa kanyang pagbisita sa Pilipinas noong ika-17 ng Enero, nangako si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ibibigay ang 500 libong bakuna sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, handa na ang mga bakuna, at hinihintay na lamang ang pamahalaan ng Pilipinas na ibigay ang Emergency Use Authorization (EUA) sa nasabing mga bakuna. Kapag may EUA na, puwedeng agarang ipadala ang mga ito sa Piliinas.
Ayon kay Huang, mahigpit ang komunikasyon sa pagitan ng mga vaccine company ng Tsina at pamahalaang Pilipino, at nag-apply na ang mga vaccine companies ng EUA sa Food and Drug Administration. Kung malalagdaan ang pormal na kasunduan ng pagbili at mabibigyan ng EUA, may kompiyansa ang mga vaccine companies ng Tsina na ipagkakaloob ang mga vaccine sa malapit na hinaharap.
Hinggil naman sa umano’y na vaccine diplomacy ng Tsina na dapat maging maingat ang Pilipinas, sinabi ni Huang na mas authoritative si Kalihim ng Ugnayang Panlabas Teodoro Locsin Jr. sa isyung ito, at sumang-ayon siya kay Locsin o ibig sabihin, hindi ginagawa ng Tsina ang vaccine diplomacy at ang mga bintang ay paninira lamang na ginagawa ng mga kaaway.
Reporter: Sissi Wang