Pagbaba ng bisa ng AstraZeneca vaccine, ikinababahala — WHO

2021-02-09 10:57:11  CMG
Share with:

Sa regular na preskong idinaos nitong Lunes, Pebrero 8, 2021, ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na ang pagbaba ng bisa ng bakuna ng AstraZeneca laban sa naiulat na variant ng coronavirus sa Timog Aprika, ay isang “nakakabahalang impormasyon.”
 
Ipinahayag din niya na sa loob ng darating na ilang araw, magpapasya ang WHO kung ilalagay o hindi ang bakuna ng AstraZeneca sa Emergency Use List (EUL). Ito ay makakaapekto sa pagsama o hindi ng bakunang ito sa COVAX upang ipagkaloob ang mga bakuna sa mas maraming mamamayan ng mga umuunlad na bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method