Grupo ng mga eksperto ng WHO: Imposibleng tumagas ang anumang virus mula sa BSL-4 lab sa Wuhan

2021-02-05 11:40:13  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Sputnik ng Rusya, bumisita nitong Pebrero 3, 2021, ang grupo ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) sa Wuhan Institute of Virology at Biosafety Level 4 laboratory sa loob ng pasilidad na ito.

 

Pagkaraan ng pagbisita, sinabi sa media ni Vladimir Dedkov, miyembro ng grupo at epidemiolohistang taga-Rusya, na mahusay ang mga kagamitan sa naturang laboratoryo, at mahigpit ang pangangasiwa. Imposible aniyang mailabas o tumagas ang anumang virus mula sa laboratoryo.

 

Pareho naman ang palagay ni Peter Daszak, miyembro ng grupo at ekspertong Amerikano sa mga sakit ng hayop. Dagdag niya, ginawa ng naturang laboratoryo ang mga namumukod na pananaliksik sa coronavirus, at posible itong nagresulta sa mga pagduda. Ang pangyayaring ito aniya ay ironic o tumbalik.

 

Bumisita rin ang grupo ng WHO sa palengke ng mga pagkaing-dagat sa Wuhan.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Dedkov, na hanggang sa kasalukuyan, walang ebidensiya ang nagpapakitang nanggaling sa palengkeng ito ang novel coronavirus, pero makikita ang mga kondisyong makakatulong sa pagkalat ng virus sa nasabing lugar.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method