Sa preskon ng WHO-China joint study team hinggil sa origin-tracing ng COVID-19, nitong nagdaang Martes, Pebrero 9, 2021, pinabulaanan ni Peter Ben Embarek, lider ng naturng grupo sa panig ng WHO ang teorya ng pagtagas ng coronovirus mula sa laboratoryo sa Wuhan.
Ani Embarek, ipinakikita ng mga natuklasan ng grupo na ang hipotesis ng insidente ng laboratoryo ay alegasyong na imposibleng mangyari o extremely unlikely na nagbibigay-linaw ng paghawa ng mga tao ng virus. Ang lab theory ay hindi hipotesis na iminumungkahi ng WHO para sa ibayo pang pag-aaral, dagdag ng dalubhasa. Makaraang bumisita sa Wuhan Institute of Virology ang grupo, hinangaan ni Embarek ang mga safety protocols ng naturang insituto at sinabi niyang “very unlikely” na tumagas o ilabas mula roon ang anumang bagay.
Matatandaang noong Mayo, 2020, sinabi ni Mike Pompeo, dating Kalihim ng Estado ng Amerika sa ABC, na “may sapat na ebidensya na ang (COVID-19) ay nagmula sa laboratoryo sa Wuhan.” Pero, hindi nagpahayag ng katulad na konklusyon ang intelligence community ng Amerika at sa halip, sinikap nitong di suportahan ang pananalita ni Pompeo.
Masasabing ang konklusyon ng misyon ng WHO sa Tsina ay ang mabisang pagtugon sa pagdungis ni Pompeo.
Kasabay nito, nabigo rin ang panglalait na pinigilan ng Tsina ang origin-tracing. Sa katatapos na misyon, ang mga dalubhasa mula sa WHO at Tsina ay magkakasamang nag-aral ng maraming datos at materyales hinggil sa pandemiya ng COVID-19, bumisita rin sila sa mga ospital, palengke, instituto, at nakipag-usap sa mga tauhang medikal, mananaliksik, mangangalakal sa palengke, community worker, gumaling na pasyente, kamag-anak ng mga nasawing tauhang medikal, at iba pa.
Kaugnay ng pag-aaral sa Tsina, sa kanyang panayam sa Bloomberg, sinabi ni Dr. Peter Daszak, miyembro ng WHO-China Joint Study Team na iminungkahi ng mga dalubhasa ng WHO ang mga lugar na dapat puntahan at kung sino ang dapat makita, at tinugon at natupad ng Tsina ang mga kahilingan.
Ipinakita rin ng pag-aaral ng WHO sa Wuhan na ang virus ay malamang galing sa isang hayop, sa pamamagitan ng isang intermediary host, pumunta sa tao. Kasabay nito, posible rin ang direktang hayop-sa-hayop o cold-chain na transmission.
Ipinahiwatig nito ang pangangailangan ng pagsasagawa ng pandaigdig na origin-tracing ng virus.
Sa katunayan, maraming palatandaan o clue, ulat at pag-aaral ang nagpapahiwatig na naganap ang pagsiklab ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar sa daigdig, sa huling hati ng 2019. Mayroon ding mga ulat na posibleng ang coronavirus ay nasa Estados Unidos na bago pa opisyal na kinumpirma ang unang kaso ng COVID-19 ng bansa.
Sa kanyang mensaheng pambagong-taon, nanawagan si Tedros Ghebreyesus, Pangkalahatang Direktor ng WHO, na sa taong 2021, kailangang mapulot ang aral ng buong daigdig at magkapit-bisig laban sa COVID-19. “May liwanag sa dulo ng tunel, at mararating natin ito kung magkakasama nating tutunguhin ang landas na ito,” aniya.
Salin: Jade
Pulido: Mac