WHO origin-tracing ng COVID-19 sa Amerika, hiniling ng Tsina

2021-02-11 12:53:02  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pahayag ng Amerika hinggil sa misyon ng World Health Organization (WHO) sa Tsina, inihayag ng Tsina ang pag-asang iimbitahan ng Estados Unidos ang WHO para isagawa ang pananaliksik hinggil sa pinanggalingan ng COVID-19.

 

Natapos nitong nagdaang Martes, Pebrero 9, 2021 ng WHO-China Joint Study team ang apat na linggong pananaliksik at kooperasyon hinggil sa origin-tracing sa Tsina. Ipinaalam nila ang mga resulta ng naturang misyon sa presyon nang araw ring iyon.

 

Kaugnay nito, sinabi ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na susuriin nito ang mga resulta ng nabanggit na misyon ng WHO sa Tsina. Aanalisahin din nila ang mga konklusyon, sa pamamagitan ng  sarili nilang intelligence services.

 

Sa regular na preskon nitong Miyerkules, Pebrero 10, sinabi ni Wang Wenbin, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tulad ng sinabi ng mga dalubhasa mula sa WHO-China Joint Study team, ang misyon sa Tsina ay bahagi lang ng pandaigdigang  origin-tracing na isinusulong ng WHO. Kasabay ng pagkakaroon ng mas maraming ebidensya at hypothesis na may batayang siyentipiko, maaaring isagawa ang origin-tracing sa iba pang mga bansa at lugar.

 

Inulit din ng tagapagsalitang Tsino na, maraming palatandaan o clue, ulat at pag-aaral ang nagpapahiwatig na naganap ang pagsiklab ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar sa daigdig, sa huling hati ng 2019. Mayroon ding mga ulat na posibleng ang coronavirus ay nandoon na sa Estados Unidos bago opisyal na kinumpirma ang unang kaso ng COVID-19 ng bansa.

 

Muling hiniling ni Wang sa panig Amerikano na magtaglay ng bukas at transparent na pakikitungo na tulad ng Tsina at anyayahan ang mga dalubhasa mula sa WHO sa pagsasagawa ng pag-aaral ng origin-tracing sa Amerika.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method