Mga lider ng Tsina at Amerika, nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig

2021-02-11 12:36:52  CMG
Share with:

Mga lider ng Tsina at Amerika, nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig_fororder_20210211XiBiden550

Nag-usap sa telepono kaninang umaga, Pebrero 11, 2021 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joseph Biden ng Amerika.

 

Unang una, bumati ng Manigong Bagong Taong Tsino si Biden sa mga mamamayang Tsino. Bilang tugon, binati rin ni Xi ang pormal na panunungkulan ni Biden bilang pangulong Amerikano, at iniabot ang pagbati ng Maligayang Taon ng Baka sa mga mamamayang Tsino at Amerikano.

 

Tinukoy ni Xi na nitong mahigit kalahating siglong nakalipas, ang isang pinakamahalagang isyu sa relasyong pandaigdig ay pagpapanumbalik at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Ani Xi, ang kooperasyon ng dalawang bansa ay tanging tumpak na pagpili. Ang pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Amerikano ay nakakabuti sa dalawang bansa at buong daigdig, at ang konprontasyong Sino-Amerikano naman ay tiyak na magdudulot ng kapahamakan sa dalawang bansa at buong mundo, aniya.

 

Ipinagdiinan niya na sa kasalukuyan, ang relasyong Sino-Amerikano ay nasa mahalagang yugto. Ang pagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay komong hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komunidad ng daigdig. Dapat aniyang magkasamang magsikap ang dalawang bansa, igiit ang diwa ng di-sagupaan, paggagalangan sa isa’t-isa, kooperasyon at win-win, ipokus ang kooperasyon, at kontrulin ang pagkakaiba para mapasulong ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, makapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa kanilang mga mamamayan, at makapagbigay ng karapat-dapat na ambag para sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19, pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.

 

Diin pa ni Xi, mayroong nagkakaibang palagay ang Tsina at Amerika sa ilang isyu. Dapat aniyang igiit ng dalawang bansa ang prinsipyo ng paggagalangan sa isa’t-isa at pantay na pakikitungo upang maayos na kontrulin at lutasin ang mga ito sa konstruktibong porma.

 

Ang mga isyung tulad ng Taiwan, Hong Kong, at Xinjiang ay mga suliraning panloob ng Tsina na may kaugnayan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at dapat igalang ng panig Amerikano ang nukleong kapakanan ng Tsina at maingat na kumilos, diin ni Xi.

 

Ipinahayag naman ni Biden na dapat iwasan ng Amerika at Tsina ang sagupaan at isagawa ang matapat at konstruktibong diyalogo para mapalalim ang pag-uunawaan at maiwasan ang mga misunderstanding.

 

Kapwa ipinalalagay ng dalawang lider na ang kanilang pag-uusap sa araw na ito ay magpapalabas ng positibong singal sa daigdig. Sinang-ayunan din nilang panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method