Pagbabakuna laban sa COVID-19, sinimulan ng Pakistan; donasyong bakuna ng Tsina, muling pinasalamatan ng pamahalaang Pakistani

2021-02-04 16:08:12  CMG
Share with:

Islamabad, kabisera ng Pakistan—Ginanap nitong Miyerkules, Pebrero 3, 2021 ang seremonya ng pagsisimula ng pambansang pagbabakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ng Pakistan.

Pagbabakuna laban sa COVID-19, sinimulan ng Pakistan; donasyong bakuna ng Tsina, muling pinasalamatan ng pamahalaang Pakistani_fororder_20210204Pakistan1

Tatlong doktor at nars ang ininiksiyonan ng bakunang mula sa Tsina.
 

Kasabay nito, sinimulan din ng mga departamento ng pagpigil sa epidemiya sa iba’t ibang lalawigan ng Pakistan ang pag-iiniksyon gamit ang unang pangkat ng bakuna kontra COVID-19 na donasyon ng Tsina.
 

Kaugnay nito, pinasalamatan nitong Martes ni Imran Khan, Punong Ministro ng Pakistan, ang ibinigay na bakuna ng Tsina.
 

Aniya, sa mga frontliner muna ibibigay ang naturang pangkat ng bakuna.
 

Salin: Vera

Please select the login method