Sa panayam ng local media kahapon, Biyernes, ika-12 ng Pebrero 2021, muling pinapurihan ni Punong Ministro Viktor Orban ng Hungary ang mga bakuna ng Tsina kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Orban, na gagamitin ng Hungary ang mga bakuna ng Tsina, para pasimulan ang malawakang pagbabakuna sa malapit na hinaharap.
Dagdag niya, sa pamamagitan ng mga bakunang Tsino, may pag-asang babakunahan ang 6.8 milyong mamamayan ng Hungary sa katapusan ng darating na Mayo. Ang bilang na ito aniya ay mangunguna sa buong Europa.
Ito ang ikalawang beses na pagpapuri ni Orban sa mga bakuna ng Tsina sa loob ng nakalipas na ilang araw.
Nauna rito, sa summit ng Tsina at mga bansa sa Gitna at Silangang Europa na idinaos nitong Pebrero 9, hinangaan ni Orban ang sirkulo ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina sa pagdedebelop at paggawa ng bakuna kontra COVID-19.
Salin: Liu Kai
Pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac ng Tsina, inaprobahan ng Kambodya
Opisyal ng Zimbabwe, pinasalamatan ang Tsina sa pagkakaloob ng libreng COVID-19 bakuna
Hungary, inaprobahan ang paggamit ng bakuna sa COVID-19 ng Tsina
Pangulo ng Chile, tinurukan ng bakunang Tsino laban sa COVID-19