Inaprobahan kamakailan ng National Institute of Pharmacy and Nutrition ng Hungary, pambansang awtoridad na pang-medisina ng bansang ito, ang paggamit ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Sinopharm ng Tsina.
Dahil dito, ang Hungary ay naging unang kasaping bansa ng Unyong Europeo na nagbigay ng pahintulot sa bakuna sa COVID-19 ng Tsina.
Samantala, ipinahayag naman ni Punong Ministro Viktor Orban ng Hungary ang lubos na pananalig sa bakuna ng Tsina.
Aniya pipiliin niya ang bakunang Tsino.
Salin: Liu Kai