Chinese New Year Charity Bazaar, idinaos sa Manila

2021-02-13 14:20:12  CMG
Share with:

Chinese New Year Charity Bazaar, idinaos sa Manila_fororder_微信图片_20210213134454

 

Idinaos Biyernes, ika-12 ng Pebrero, 2021 sa SM Aura sa Manila ang Charity Bazaar para ipagdiwang ang Spring Festival o Chinese New Year.

 

Dumalo sa aktibidad sina Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, Secretary Teodoro Locsin Jr. ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, Maria Lourdes Locsin, Tagapangulo ng International Bazaar Foundation (IBF) at iba pang mga panauhin.

 

Ang aktibidad na ito ay itinaguyod ng Embahadang Tsino, kasama ng IBF, at ang lahat ng mga kinikita sa aktibidad ay ibibigay sa IBF para gamitin sa mga charity activity.

Chinese New Year Charity Bazaar, idinaos sa Manila_fororder_微信图片_20210213134459

 

Sa kanyang mensahe sa aktibidad, ipinahayag ni Embahador Huang ang pagbati ng Spring Festival kina Ginoong at Ginang Locsin, lahat ng mga kalahok, mamamayang Tsino sa Pilipinas at overseas at ethnic Chinese sa lokalidad.

 

Umaasa aniya si Huang na sa pamamagitan ng charity bazaar, ibabahagi ang kaligayahan at suwerte ng Spring Festival, at ipapakita ang determinasyon ng Tsina at Pilipinas na magkasamang pagtagumpayan ang pandemiya ng COVID-19.

 

Ipinahayag din ni Huang ang hangaring magkaroon ng mas matagumpay at maligayang bagong taon ang Pilipinas at mga mamamayang Pilipino.

 

Sa pamamagitan naman ng wikang mandarin, iniabot ni Kalihim Locsin sa mga Tsino ang "Happy New Year."

 

Itinanghal din sa aktibidad ang mga litrado at eksibit na may kinalaman sa kultura ng Spring Festival at mga pandaigdigang pamana sa Tsina.

 

Reporter: Ernest Wang
Larawan: Embahada ng Tsina sa Pilipinas

Please select the login method