Sa bisperas ng Spring Festival o Chinese New Year, ipinahayag ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas ang pagbati ng Happy Chinese New Year sa mga kababayang Tsino sa Pilipinas.
Idinaos Biyernes, ika-5 ng Pebrero, 2020 sa Embahadang Tsino ang aktibidad ng pamimigay ng "Spring Festival Bag" o regalo para sa Chinese New Year. Inabot ni Embahador Huang ang mga "Spring Festival Bag" sa mga kinatawan ng estudyanteng Tsino na nag-aaral sa Pilipinas, kumpanyang Tsino at mga overseas and ethnic Chinese sa Pilipinas.
Sinabi ni Huang na ang Spring Festival ay pinakamahalagang pesitibal para makapiling ang mga pamiliyang Tsino at puno ang "Spring Festival Bag" ng pagmamalasakit at pangungumusta ng pamahalaang Tsino sa mga kababayang Tsino sa ibayong dagat.
Umaasa aniya siyang madadama ng mga kababayang Tsino sa Pilipinas ang pagbati ng inang-bayan at mga kamag-anak at makakapagdaos ng isang ligtas, masaya at masuwerteng spring festival.
Pinasalamatan ng mga kalahok na kinatawan ang pamamalasakit at pagtulong ng pamahalaang Tsino. At ikinagagalak nila ang pagtanggap sa "Spring Festival Bag" na puno ng atmospera ng festibal.
Ang "Spring Festival Bag" ay naglalaman ng mga kagamitang panglaban sa epidemiya ng COVID-19 na gaya ng face mask, face shield at antiseptic wipes, at mga souvenir para sa spring festival.
Reporter: Ernest Wang