Sa virtual meeting ng United Nations Security Council (UNSC) ukol sa isyu ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ginanap nitong Miyerkules, Pebrero 17, 2021, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat magkakapit-bisig na magpunyagi ang buong mundo para tanggihan ang vaccine nationalism; pasulungin ang patas na distribusyon ng bakuna; at gawin itong abot-kaya para sa mga umuunlad na bansa.
Iminungkahi ni Wang na dapat ipauna ang mga mamamayan, at palakasin ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa pandemiya.
Nararapat din aniyang komprehensibong ipatupad ang resolusyon ng UNSC, at likhain ang paborableng kapaligirang kontra pandemiya; resolbahin ang vaccine deficit, at pag-ibayuhin ang pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa; at palakasin ang koordinasyon, at lubos na patingkarin ang papel ng sistema ng UN.
Saad ni Wang, pinapasulong ng panig Tsino ang patas na distribusyon ng bakuna, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Diin pa niya, ang pagsasagawa ng Tsina ng kooperasyong pandaigdig sa bakuna kontra COVID-19 ay hindi para sa anumang target ng geopolitics, o anumang kapakanang pangkabuhayan, at wala itong anumang pasubaling pulitikal.
Patuloy na magsisikap ang panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig, para palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangang gaya ng bakuna, at pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, saad pa niya.
Ang tema ng nasabing virtual meeting ay “igarantiya ang patas na pagkuha ng bakuna laban sa COVID-19, sa kabila ng epekto ng sagupaan at kawalang seguridad.”
Salin: Vera
Ekspertong Pranses, mas nananalig sa inactivated vaccine kontra COVID-19 na gawa ng Tsina
Makatotohanang sinabi ng eksperto ng WHO tungkol sa gawain sa Wuhan
Ikalawang batch ng bakuna kontra COVID-19 na ipinagkaloob ng Tsina, dumating ng Morocco
Unang batch ng bakunang ibinigay ng Tsina, dumating ng Zimbabwe
Mahigit 1.8 milyong mamamayan sa Chile, binakunahan kontra COVID-19