Ekspertong Pranses, mas nananalig sa inactivated vaccine kontra COVID-19 na gawa ng Tsina

2021-02-18 11:12:22  CMG
Share with:

Sa panayam kamakailan sa lokal na media, sinabi ni Didier Raoult, Mikrobiolohistang Pranses na Espesyalista sa mga Nakahahawang Sakit at Propesor sa Aix-Marseille University, na kung ihahambing ang mga Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) vaccine na gumagamit ng teknolohiya ng Messenger RNA (mRNA), mas nananalig siya sa mga inactivated vaccine na idinebelop ng mga kompanyang Tsino.

 

Diin niya, mas hinog at mas mapagkakatiwalaan ang teknolohiya ng inactivated vaccine.

 

Ipinalalagay din ni Raoult, na batay sa kasalukuyang teorya, mas angkop ang inactivated vaccine sa paglaban sa mga coronavirus variant.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method