Sa artikulong ipinalabas kamakailan ng pahayagang “The People” ng Kenya, inihayag ang paghanga sa pagtupad ng Tsina sa pangako nitong gagawing pandaigdigang pampublikong produktong pangkalusugan ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Anang artikulo, sa harap ng pagkalat ng COVID-19, isinasapulitika ng ilang bansa ang pandemiya; nagbubulag-bulagan sa siyensiya; isinusulsol ang di-wastong pagkiling, at ipinakakalat ang mga pekeng impormasyon; kinukuha ang mga bakuna sa pamamagitan ng puwersang pulitikal; at nagpapatay-malisya sa pangangailangan ng mga umuunlad na bansa at rehiyon.
Ayon sa datos ng United Nations, kontrolado ng 10 bansa ang 75% bakuna kontro sa COVID-19 sa buong mundo.
Sa kabilang dako, ini-abuloy naman ng Tsina ang mga bakuna sa 53 umuunlad na bansa, at iniluwas ang bakuna sa 22 iba pa.
Bukod dito, plano ng Tsina na magkaloob ng 10 milyong bakuna sa COVAX para mapunan ang pangangailangan ng mga umuunlad na bansa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio