8 dayuhang lider, nagpainiksyon ng bakunang Tsino kontra COVID-19; panig Tsino: boto ng kompiyansa sa bakunang Tsino

2021-02-20 14:31:55  CMG
Share with:

Inihayag nitong Biyernes, Pebrero 19, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, 8 dayuhang lider ng mga bansang kinabibilangan ng Turkey, Seychelles, Jordan, Indonesia, Peru, at Chile ang nagpainiksyon ng bakunang Tsino laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at ito ay boto ng kompiyansa sa kaligtasan at episyensiya ng bakunang Tsino.
 

Inilathala kamakailan ng pahayagang “Washington Post” ang artikulong nagsasabing ang bakunang Tsino ay nagkaloob ng pagpili para sa pagpuksa ng mga umuunlad na bansa sa pandemiya.
 

Kaugnay nito, sinabi ni Hua na tuwang tuwa ang balitang malutas ng bakunang Tsino ang pangkagipitang pangangailangan ng mga kaukulang bansa sa masusing panahon.
 

Salin: Vera

Please select the login method