Kasalukuyang ginaganap ang high-level segment ng Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) mula ika-22 hanggang ika-24 ng Pebrero, 2021.
Hinggil dito, isinalaysay nitong Lunes, Pebrero 22, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na bibigkas ng talumpati si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, para ibahagi ang ideya, praktika at karanasan ng bansa sa pangangalaga sa karapatang pantao.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong magtatalumpati sa UNHRC ang lider ng pamahalaang Tsino.
Saad ni Wang, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao, iginigiit ang ideya ng karapatang pantao na gawing sentro ang mga mamamayan, at natamo ang kapansin-pansing tagumpay sa aspekto ng karapatang pantao.
Bukod dito, aktibong sumasali ang Tsina sa gawain ng mga multilateral na mekanismo ng karapatang pantao na gaya ng UNHRC, at naghahandog ng katalinuhan at plano ng Tsina para sa pandaigdigang pangangasiwa sa karapatang pantao, dagdag niya.
Salin: Vera