Komprehensibong tagumpay ng kampanya ng Tsina sa pagpawi sa karalitaan, idineklara; pagpapasigla ng mga nayon, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2021-02-25 18:10:06  CMG
Share with:

Sa aktibidad bilang paglalagom at pagbibigay-gantimpala sa gawain ng pagpawi sa karalitaan na ginanap Huwebes, Pebrero 25, 2021, idineklara ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pasasalamat sa magkasamang pagsisikap ng buong Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad ng bansa sa komprehensibong tagumpay ng kampanya ng Tsina sa pag-ahon sa karalitaan.
 

Ipinagdiinan ni Xi na ang pagpapasigla ng mga nayon ay isang mahalagang tungkulin ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
 

Aniya, dapat patibayin at palawakin ang bunga ng kampanya ng pagpawi sa karalitaan, para maging mas matibay, mabisa at sustenable ang pundasyon ng pagpawi sa karalitaan.
 

Diin ni Xi, dapat tuluy-tuloy na paliitin ang agwat sa pag-unlad ng mga lunsod at nayon, at hayaan ang populasyong may mababang kita at di-maunlad na rehiyon na magtamasa ng bunga ng pag-unlad.

Komprehensibong tagumpay ng kampanya ng Tsina sa pagpawi sa karalitaan, idineklara; pagpapasigla ng mga nayon, ipinagdiinan ni Xi Jinping_fororder_20210225XiJinping1

Tinukoy ni Xi na aktibong isinasagawa ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa pagbabawas sa karalitaan, isinasabalikat ang pandaigdigang responsibilidad sa pagbabawas sa karalitaan, ipinagkakaloob sa abot ng makakaya ang tulong sa mga umuunlad na bansa, at pinapasulong ang pandaigdigang usapin ng pagbabawas sa karalitaan.
 

Aniya, ang tagumpay ng Tsina sa pag-ahon sa kahirapan ay naghandog ng puwersa para sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Pagkaraan ng 8-taong pagsisigasig, na-i-ahon mula sa karalitaan ang 832 mahirap na county, 128,000 mahirap na nayon, at halos 100 milyong populasyon sa kanayunan, batay sa umiiral na pamantayan.
 

Batay pa rin sa naturang pamantayan, 770 milyong populasyon sa kanayuan ang nabigyan ng magandang buhay, sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas.
 

Batay naman sa pamantayan ng World Bank sa kahirapan, katumbas ng mahigit 70% ng kabuuang populasyong nai-ahon mula sa karalitaan sa buong mundo ang bilang ng mga Tsinong nabigyan ng mas maginhawang pamumuhay.
 

Upang tulungan ang mga mamamayan sa mahihirap na rehiyon, mahigit 3 milyong tauhan ang ipinadala sa mga ito.
 

Halos 1,800 tauhan ang nagsakripisyo ng sariling buhay para sa kampanya ng pagpuksa sa kahirapan.
 

Salin: Vera

Please select the login method