Halos 101.6 trilyong yuan, GDP ng Tsina noong 2020

2021-02-28 13:27:01  CMG
Share with:

Ayon sa "Proklamasyon ng Estadistika ng Pambansang Kabuhayan at Kaunlarang Panlipunan ng Tsina sa 2020" na isinapubliko Linggo, Pebrero 28, 2021, umabot sa halos 101.6 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina noong 2020, at ito ay mas malaki ng 2.3% kumpara sa taong 2019.
 

Ayon pa sa nasabing proklamasyon, 11.86 milyon ang karagdagang bilang ng nagkaroon ng trabaho sa mga lunsod at bayan ng Tsina sa nasabing taon.
 

Samantala, noong bandang dulo ng 2020, umabot sa 3.2165 trilyong dolyares ang foreign exchange reserve ng Tsina na lumaki ng 108.6 bilyong dolyares kumpara sa katapusan ng taong 2019.
 

Bukod dito, ayon sa kasalukuyang umiiral na pamantayan ng karalitaan sa kanayunan sa Tsina (2,300 yuan Renminbi ang karaniwang kita para magkaroon ng disenteng lebel ng pamumuhay ang bawat tao kada taon), at lahat ng 5.51 milyong populasyon sa kanayunan ay nai-ahon na mula karalitaan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method