Ika-2 pangkat ng 400,000 dosis ng bakuna ng Sinopharm kontra COVID-19, ipinadala sa Macao

2021-03-01 16:09:22  CMG
Share with:

Dumating nitong Linggo, Pebrero 28, 2021 ng Macao ang ika-2 pangkat ng 400,000 dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng China National Pharmaceutical Group  (Sinopharm).
 

Sa kasalukuyan, tinanggap na ng Macao ang halos 600,000 dosis ng bakuna laban sa COVID-19.
 

Ang unang pangkat ng 100,000 dosis ng bakuna ng Sinophram ay dumating sa Macao noong Pebrero 6, at dumating naman ang iba pang 100,000 dosis ng mRNA vaccine na magkasanib na idinebelop ng Fosun Pharma at BioNTech nitong Pebrero 27.
 

Salin: Vera

Please select the login method