Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan

2021-03-01 09:52:43  CMG
Share with:

Sinimulan ngayong umaga ang pagbabakuna o vaccination rollout ng Pilipnas sa Philippine General Hospital (PGH) at iba pang mga pampublikong ospital sa Manila, makaraan ang isang taong pagkakalugmok dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Pinangunahan ni PGH Director Dr. Gerardo“Gap”Legaspi ang inokulasyon, kasunod sina Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo at Kalihim Carlito Galvez ng Inter-agency Task Force Against COVID-19, at mga tauhang medikal ng PGH.

 

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-2

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-3

 

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-11

 

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-9-n

 

Kasabay nito, inilunsad din ang pagbabakuna sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, na kilala rin bilang TALA Hospital, Veterans Memorial Medical Center (VMMC), Lung Center of the Philippines, at Camp Crame kung saan binakunahan ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

 

Lulan ng isang People's Liberation Army (PLA) military plane, matatandaang dumating 4:10 PM, Pebrero 28, 2021 sa Villamor Airbase, Pasay City ang  600,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina na gawa ng Sinovac Biotech Ltd. (Sinovac).

 

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-7

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-6

 

Samantala, lumahok sa seremonya ng paghahandog si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama ng mga miyembro ng Gabinete at sugong Tsino sa Pilipinas na si Huang Xilian.

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-10-n

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-5

 

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang taos-pusong pasasalamat sa donasyon ng Tsina.

 

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan_fororder_20210301-4

 

Ipinahayag din niya ang pag-asang matatapos na rin sa wakas ang pandemiya ng COVID-19 sa Pilipinas sa pamamgitan ng mga bakunang mula sa Tsina.

 

Aniya pa, ang 600,000 dosis ng bakunang mula sa Sinovac ay isa pang hakbang ng bansa tungo sa pagtatagumpay laban sa COVID-19.

 

Ipina-abot din ni Duterte ang taos-pusong pasasalamat sa ipinakikitang matapat na pakikipagkaibigan at solidaridad ng Tsina at mga mamamayang Tsino sa Pilipinas at mga mamamayang Pilipino.

 

Ang Sinovac vaccine ay ang unang batch ng bakunang tinanggap ng Pilipinas. 

 

Artikulo: Jade

Pulido: Rhio

Photo credit: PCOO

Please select the login method