6 kumpirmadong kaso ng coronavirus variant na “P.1,” natuklasan sa Britanya

2021-03-01 10:39:13  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyong inilabas nitong Linggo, Pebrero 28, 2021 ng Public Health England (PHE), nadiskubre sa Britanya ang 6 na kumpirmadong kaso ng coronavirus variant na tinatawag na “P.1.”

 

Ang variant na ito ay unang natuklasan sa Brazil.

 

Dagdag ng PHE, kailangan pa ang ibayong pag-aaral para malaman kung epektibo ang mga kasalukuyang bakuna kontra “P.1” variant.

 

Ayon naman sa datos na isinapubliko nang araw ring iyon ng pamahalaang Britaniko, 6,035 ang karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19); samantalang 144 naman ang karagdagang bilang ng mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method