Mananaliksik na taga-Brazil: bakuna ng Sinovac, epektibo laban sa mga coronavirus variant mula sa Britanya at Timog Aprika

2021-02-18 18:15:30  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Reuters, sinabi kahapon, Pebrero 17, 2021, ni Dimas Covas, Direktor ng Butantan Institute ng Brazil, na ipinakikita ng resulta ng pagtetest, na ang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Sinovac ng Tsina ay epektibo sa paglaban sa mga coronavirus variant mula sa Britanya at Timog Aprika.

 

Isiniwalat din ni Covas, na isinasagawa rin ng kanyang instituto ang pagtetest kung epektibo rin ang bakuna ng Sinovac laban sa isa pang variant mula sa Manaus ng Brazil.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method