Wang Yi, naglahad ng paninindigan ng Tsina sa pangangalaga sa karapatang pantao sa UNHRC

2021-02-23 11:30:48  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati sa high-level segment ng Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
 

Isinalaysay ni Wang na sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), iginigiit ng Tsina ang ideya ng karapatang pantao na sentro ang mga mamamayan, pagsasama ng unibersalidad ng karapatang pantao at aktuwal na kalagayan ng iba’t ibang bansa, sistematikong pagpapasulong ng iba’t ibang uri ng karapatang pantao, at pandaigdigang diyalogo’t kooperasyon sa karapatang pantao.
 

Aniya, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), matagumpay na nilikha ng bansa ang landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na angkop sa kalagayan at pangangailangan ng sariling bansa.
 

Diin ni Wang, tinututulan ng Tsina ang pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa, sa katwiran ng karapatang pantao. Aniya, hindi kailanman umiiral sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina ang umano’y “genocide,” “sapilitang pagtatrabaho” at “religious persecution.”
 

Aniya, pinangangalagaan ng Batas sa Pambansang Seguridad ng Hong Kong ang lehitimong karapatan at kalayaan ng mga residente ng Hong Kong, batay sa saligang batas.
 

Kaugnay ng bakuna kontra COVID-19, saad ni Wang, ang bakuna ay may kinalaman sa karapatan sa kalusugan, buhay at pag-unlad ng mga mamamayan. Dapat aniyang maging patas ang distribusyon ng bakuna, lalong lalo na, dapat igarantiya ang accessibility at affordability ng bakuna para sa mga umuunlad na bansa.
 

Salin: Vera

Please select the login method