Tsina, hiniling na pabutihin ang kalagayan ng karapatang pantao ng Amerika

2021-03-03 11:40:33  CMG
Share with:

Hinimok ng Tsina ang Amerika na tugunan ang malalim na problemang panloob na kinabibilangan ng diskrimininasyong panlahi at karahasan sa pagpapatupad sa batas, para mapabuti ang kalagayan ng karapatang pantao ng bansa.

 

Bilang tugon sa pakikipagtagpo kamakailan ni House Speaker Nancy Pelosi ng Amerika sa di-umano’y“Uyghur rights defenders,”winika ito ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa regular na preskon, nitong Martes, Marso 2, 2021 sa Beijing.

 

Tsina, nanguna sa aplikasyon ng patente sa 2020: WIPO

 

Ani Wang, ang tinatawag na“Uyghur rights defenders”na kinatagpo ni Pelosi, sa esensya, ay separatistang East Turkestan na kontra Tsina.

 

Salaysay ni Wang, ang lahat ng mga taga-Xinjiang ay ganap na nagtatamasa ng kani-kanilang mga karapatan na gaya ng karapatan sa pamumuhay at karapatan sa pag-unlad. Ang mga wika, tradisyonal na kultura, at kagawian ng iba’t ibang grupong etniko ng Xinjiang ay maayos na iniingatan at ipinamamana.

 

Dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino, nitong mahigit anim na dekada sapul nang mabuo ang rehiyong awtonomo noong 1955, mahigit 200 ulit ang paglaki ng kabuhayan ng Xinjiang, ang per capita GDP nito ay mas mataas ng halos 40 beses, at ang life expectancy ay umabot sa 72 taong gulang mula sa 30.

 

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method