Marso 2, 2021, sabay-sabay na ipinatalastas ng Amerika at Unyong Europeo ang bagong sangsyon sa Rusya dahil sa isyu ng pagbilanggo kay Alexei Navalny, miyembro ng oposisyon ng Rusya.
Hinggil dito, ipinahayag Marso 3, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maraming beses nang ipinahayag ng Tsina na ang paghawak sa isyu ni Alexei Navalny ay suliraning panloob ng Rusya.
Tinukoy din ni Wang na ang Rusya, Amerika at EU ay mayroong mahalagang impluwensiya sa komunidad ng daigdig.
Umaasa aniya ang Tsina na palalakasin ng mga kinauukulang bansa ang komunikasyon, upang makapag-ambag sa ikabubuti ng kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.
Salin:Sarah