Nitong Huwebes, Marso 4 (local time), 2021, sinuportahan ng pahayagang “The Guardian” ng Britanya ang mga pekeng impormasyong inilabas ng British Broadcasting Corporation (BBC).
Ngunit, hindi sumang-ayon ang mga dayuhang netizens dito. Bumaha ng komento sa “The Guardian” na nagsabing wala itong pinagkaiba sa BBC at kasing-korupt ito ng BBC. Mas direktang ibinunyag ng ilang netizens na pinuponduhan ng BBC si Adrian Zenz, German national na kontra sa Tsina, para gumawa at ipagkalat ang mga pekeng impormasyon.
“May galit ba ang dayuhang media sa Tsina?” Ito ang tanong na ipinalabas noong Marso 2 ni Caroline Wilson, Embahador ng Britanya sa Tsina, sa Chinese social media platform.
Sa harap ng tanong na ito, mabilis na nagbigay ang mga netizens ng iba’t-ibang uri ng sagot. Narito ang ilang ibinibigay na sagot ng mga netizens:
Salin: Lito
Pulido: Mac