Outline ng pagpapasulong sa komong kasaganaan, itatakda ng Tsina sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano

2021-03-05 10:14:33  CMG
Share with:

Sa kanyang Government Work Report sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi Biyernes, Marso 5, 2021 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng bansa (2021-2025), itatakda ng bansa ang outline ng pagpapasulong sa komong kasaganaan, isasagawa ang estratehiya ng pagbibigay-priyoridad sa hanap-buhay, isasakatuparan ang sabay-sabay na paglago ng Urban Per Capita Disposable Income (PCDI) at Gross Domestic Product (GDP), komprehensibong itatatag ang malusog na bansa, at patataasin ng isang taon ang karaniwang life expectancy.

Outline ng pagpapasulong sa komong kasaganaan, itatakda ng Tsina sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano_fororder_NPC3

Aniya, isasagawa ng Tsina ang pambansang estratehiya ng aktibong pagharap sa pagtanda ng populasyon, pasusulungin ang pagsasakatuparan ng angkop na fertility level, at unti-unting ipagpapaliban ang legal na edad ng pagreretiro. Samantala, kukumpletuhin ang sistema ng segurong panlipunan sa iba’t ibang antas, at patataasin sa 95% ang proporsyon ng pagsali sa pundamental na endowment insurance.
 

Salin: Vera

Please select the login method