Lumahok kahapon, Biyernes, ika-5 ng Marso 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa talakayan ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC).
Dito, binigyang-diin ni Xi ang komprehensibo at tumpak na pagpapatupad sa ideya ng bagong pag-unlad.
Hiniling din niya sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia, na maglingkod at makisama sa kayarian ng bagong pag-unlad, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng mga bagong sibol na industriya at modernong manupaktura.
Dapat ding palakasin ang green ecological barrier sa Inner Mongolia, dagdag ni Xi.
Editor: Liu Kai