Sa kanyang pagdalo sa talakayan ng mga kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC) mula sa mga sektor ng edukasyon, kalusugan, at medisina nitong Sabado, Marso 6, 2021, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat igiit ng bansa na maging kalinangang pampubliko ang medisina at edukasyon.
Aniya, dapat bigyan ng estratehikong priyoridad ang paggarantiya sa kalusugan ng mga mamamayan, at puspusang itatag ang de-kalidad at balanseng sistema ng pundamental na edukasyong pampubliko.
Diin din ni Xi, dapat pabutihin ang edukasyong ikinasisiya ng mga mamamayan, at koordinadong pasulungin ang reporma sa paraan ng edukasyon, modelo ng pagpapatakbo ng mga paaralan, at sistema ng pangangasiwa, para sanayin ang mas maraming iba’t ibang uri ng talentong angkop sa de-kalidad na pag-unlad.
Ipinaabot din niya ang pagbati sa mga kababaihan mula sa iba’t ibang etnikong grupo at sangay ng lipunan, sa bisperas ng International Women’s Day.
Diin ni Xi, dapat mabigat na bigyang-dagok ang mga krimeng lumalapastangan sa karapatan at kapakanan ng mga babae, at pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga babae, alinsunod sa batas.
Salin: Vera
Pulido: Maca