Sa preskong idinaos kaugnay ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa Great Hall of the People, Beijing ngayong Linggo, Marso 7, 2021, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa punto de vista ng komong kapakanan ng Tsina at Amerika, at buong daigdig, ang paghahanap ng kooperasyon ay dapat maging pangunahing hangaring ng Tsina at Amerika.
Tinukoy ni Wang na ang pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joseph Biden ng Amerika, ay nakapagbigay ng direksyon sa pagpapanumbalik sa tumpak na landas ng relasyong Sino-Amerikano.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano para komprehensibong maisakatuparan ang natamong bunga ng nasabing pag-uusap, magkasamang mapasulong ang “pagpapaalam sa luma at pagsalubong sa bago” ng relasyong Sino-Amerikano, at maisakatuparan ang malusog at matatag na pag-unlad ng kanilang relasyon.
Salin: Lito
Pulido: Mac