Labis na takot ng Amerika sa Tsina, idudulot ang panganib — Joseph Nye

2021-03-07 10:59:17  CMG
Share with:

Labis na takot ng  Amerika  sa Tsina, idudulot ang panganib — Joseph Nye_fororder_20210307Amerika550

Ipinalabas kamakailan sa website ng Project Syndicate ni Joseph Nye, Propesor ng Harward University ng Amerika, ang artikulong “Ano ang posibleng magdulot ng digmaan sa pagitan ng Amerika at Tsina?” kung saan inanalisa  ang tatahaking tunguhin ng relasyong Amerikano-Sino sa hinaharap na bunsod ng pagbabago ng kanilang ihinahambing na puwersa.

 

Layon niyang ipaalaala sa Amerika na huwag mabahala sa paglaki ng puwersang ekonomiko ng Tsina, at huwag balewalain ang sariling bentahe sa maraming larangan sa mahabang panahon upang maiwasang tingnan ang Tsina bilang banta at magkaroon ng labis na takot  at pagsasagawa ng labis na reaksyon.

 

Bagama’t ipinahayag ng White House spokesman na ang relasyong Amerikano-Sino ay mainit na relasyong kompetitibo na kailangang maglabanan, di pesimistiko si Joseph Nye tungkol dito.

 

Ipinalalagay niyang ang pagdedepende ng Amerika at Tsina sa isa’t-isa sa larangan ng kabuhayan at ekonomiya  ay nakakapagpababa sa posibilidad ng paglulunsad ng tunay na “Cold War” sa pagitan ng dalawang bansa. Dahil may motibo ng kooperasyon ang dalawang bansa sa maraming larangan, aniya pa.

 

Dagdag pa niya, ang pagyayabang ng Amerika ay palagiang panganib, pati na ang pagpapahayag ng labis na takot nito. Ibubunsod nito ang labis na reaksyon, kaya dapat matyagan ang dalawang bansa para maiwasan ang pagsasagawa ng maling kilos.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method