Napakatibay ng damdamin ng pagkakaibigang Sino-Aprikano — Wang Yi

2021-03-07 16:08:54  CMG
Share with:

Napakatibay ng damdamin ng pagkakaibigang Sino-Aprikano — Wang Yi_fororder_20210307WangYi3550

Sa preskong idinaos kaugnay ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa Great Hall of the People, Beijing Linggo, Marso 7, 2021, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang malalim na pagkakaibigang Sino-Aprikano ay nabuo sa proseso ng mahirap na pagsisikap sa paghahanap ng pagsasarili ng bansa at liberalisasyon ng nasyon. Napakatibay aniya ng damdaming ito ng dalawang panig.

 

Ani Wang, ang Tsina at Aprika ay mapagkailama’y mabuting kaibigan at katuwang ng isa’t-isa.

 

Ang de-kalidad ng magkakasamang pagtatayo ng Tsina at Aprika ng “Belt and Road” at magkakasamang pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran, ay magkakaloob ng sustenableng lakas para sa pag-unlad at pag-ahon ng Aprika.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method