Multilateralismo, sa mula’t mula pa’y matibay na pagpili ng Tsina—Wang Yi

2021-03-07 17:26:09  CMG
Share with:

Multilateralismo, sa mula’t mula pa’y matibay na pagpili ng Tsina—Wang Yi_fororder_UN1

Sa news briefing ng ika-4 na sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ngayong Linggo, Marso 7, 2021, binigyang-diin ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa harap ng pabagu-bagong kahirapan at hamon sa daigdig, ang paggiit ng iba’t ibang bansa sa tunay na multilateralismo ay siyang tanging lunas.
 

Dagdag niya, ang tunay na multilateralismo ay nangangahulugang pagsunod sa layunin at simulain ng Karta ng United Nations (UN), pangalagaan ang sistemang pandaigdig na nasa sentro ang UN, at pasulungin ang demokrasya ng relasyong pandaigdig.
 

Ang multilateralismo ay isang watawat at paniniwala, sa halip na pagdadahilan at walang lamang pananalita, ani Wang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method