Mataas na estratehikong diyalogo ng Tsina at Amerika, gaganapin

2021-03-11 16:24:46  CMG
Share with:

Ipinatalastas Huwebes, Marso 11, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng panig Amerikano, mula Marso 18 hanggang 19, idaraos sa Anchorage, Alaska ang Mataas na Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Amerika.

 

Ipinahayag ni Zhao na maliwanag ang posisyon ng panig Tsino sa relasyong Sino-Amerikano.

 

Hinihiling aniya ng panig Tsino sa panig Amerikano na obdiyektibo at rasyonal na pakitunguhin ang Tsina at relasyong Sino-Amerikano; itakwil ang ideya ng cold war at zero-sum game; igalang ang soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran ng panig Tsino; at itigil ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina para mapasulong ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas ng malusog at matatag na pag-unlad.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method