Ulat ng ilang media: Tsina at Amerika, idaraos ang “2+2” Mataas na Pagtatagpo; Tsina, walang balita hinggil dito

2021-03-11 17:10:40  CMG
Share with:

Iniulat kamakailan ng South China Morning Post, Reuters at iba pang media, na sa paanyaya ng Amerika, dadalo sina Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Sentral na Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina;  Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika; at Jake Sullivan, Asistente ng Pangulong Amerikano sa mga Pambansang Suliraning Panseguridad, sa “2+2” Mataas na Pagtatagpo na idaraos sa Alaska, Amerika.

 

Ayon pa sa ulat, nagsasanggunian ang Tsina at Amerika hinggil dito.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Marso 10, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagusap sa telepono noong Pebrero 11, 2021, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, at sumang-ayon ang dalawang panig na panatilihin ang komunikasyon.

Ulat ng ilang media: Tsina at Amerika, idaraos ang “2+2” Mataas na Pagtatagpo; Tsina, walang balita hinggil dito_fororder_alaska

Kaugnay ng “2+2” Mataas na Pagtatagpo, walang balita tungkol dito ang Tsina hanggang ngayon, paglilinaw ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method