Sa pitong araw na bakasyon ng Bagong Taong Tsino o Spring Festival mula Pebrero 11 hanggang Pebrero 17, 2021, umabot sa halos 821 bilyong yuan RMB o mahigit 127 bilyong US Dollar ang kabuuang halaga ng tingiang benta at kita ng mga negosyo ng pagkain at inumin sa buong Tsina.
Mas malaki ng 28.7% ang halagang ito kaysa bilang sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ipinakikita nito ang kasiglahan ng merkado ng konsumo ng Tsina.
Ayon naman sa pagtaya ng Morgan Stanley, sa loob ng darating na sampung taon, mananatiling mabilis ang paglaki ng taunang halaga ng konsumo ng mga Tsino, at sa taong 2030, aabot sa 12.7 trilyong US Dollar ang halagang ito.
Batay sa mga ito, nananalig kaming ang merkado ng konsumo ng Tsina ay patuloy na magbibigay ng malaking lakas tagapagpasulong, hindi lamang sa kabuhayang Tsino, kundi sa kabuhayan din ng daigdig sa hinaharap.
Editor: Liu Kai