IMF: Ikinalulugod ang mas malaking pagpapahalaga ng Tsina sa kalidad ng paglago ng kabuhayan

2021-03-12 15:19:47  CMG
Share with:

IMF: Ikinalulugod ang mas malaking pagpapahalaga ng Tsina sa kalidad ng paglago ng kabuhayan_fororder_IMF2

Ikinalulugod ng International Monetary Fund (IMF) ang mas malaking pagpapahalaga ng Tsina sa kalidad ng paglago ng kabuhayan, at pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad.
 

Winika ito ni Gerry Rice, Tagapagsalita ng IMF sa isang virtual press briefing nitong Huwebes, Marso 11, 2021.
 

Saad ni Rice, iniharap ng Tsina ang target ng mahigit 6% paglago ng kabuhayan sa kasalukuyang taon, at ipinakikita nitong ibayo pang pinahahalagahan ng bansa ang de-kalidad na paglago at rebalancing ng kabuhayan.
 

Ipinalalagay niyang, alang-alang sa medyo malaking epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa paglaki ng kabuhayan, at mabilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino, walang problema ang pagsasakatuparan ng Tsina ng nasabing target.
 

Inihayag din ni Rice ang pagtanggap ng IMF sa ginawang pagsisikap ng Tsina para sa pagharap sa pagbabago ng klima, at pagsasakatuparan ng carbon neutrality bago mag-2060.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method