CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, tinutulungan ang pag-ahon ng buong daigdig

2021-01-19 15:03:38  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na isinapubliko nitong Lunes, Enero 18, 2021 ng panig opisyal ng Tsina, noong isang taon, umabot sa 101.6 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob o GDP ng Tsina. Ayon sa mga dayuhang media, nilampasan nito ang  ang naunang pagtaya.

 

Sa gitna ng epektong dulot  ng pandemiya ng COVID-19 sa buong mundo at pagsadlak ng kabuhayang pandaigdig sa grabeng resesyon, matatag na napapanumbalik ang kabuhayang Tsino.

 

Ayon sa pagtaya, tanging ang Tsina lamang ang  pangunahing ekonomiyang magkakaroon ng paglaki ng kabuhayan. Malaki ang katuturan nito para sa buong daigdig.

 

Sinabi ng Bloomberg News na kasalukuyang tinutulungan ng paglaki ng kabuhayang Tsino ang papapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig.

 

Noong isang taon, ang maagang pagkontrol sa pandemiya, maagang pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon, at maagang pagsasakatuparan ng paglaki ng kabuhayang Tsino, ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa daigdig. Higit sa lahat, sa harap ng epekto ng pandemiya, nananatiling mabilis ang pag-unlad ng mga bagong industriya at produkto ng Tsina.

 

Sa ilalim ng kasalukuyang globalisasyong pangkabuhayan, sa harap ng mga panganib at hamon, iniharap ng Tsina sa daigdig ang kalutasan ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan at pagsasakatuparan ng win-win result.

 

Ang mga kilos ng Tsina ay kasalukuyang nakakapagpatingkad ng mahalagang papel sa pagbibigay-kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamamayan ng buong daigdig sa mga produktong medikal, pagpapatatag ng global industrial at supply chains, at pagpapasulong ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method