6 na bansang Europeo, hinimok ang EU na talakayin ang isyu ng pantay na pagbabahaginan ng bakuna kontra COVID-19

2021-03-14 13:30:04  CMG
Share with:

Sa magkakasanib na liham na ipinadala nitong Sabado, Marso 13, 2021 ng mga Punong Ministro ng 6 na bansang Europeo na kinabibilangan ng Bulgaria, Austria, Czech, Slovenia, Latvia, at Croatia, kina Ursula von der Leyen, Tagapangulo ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU), at Charles Michel, Tagapangulo ng European Council, hinihimok nila ang EU na agarang talakayin ang isyu ng pantay na pagbabahaginan ng bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sa liham, binanggit ng mga punong ministro ang bunga ng virtual meeting ng mga lider ng 27 bansa ng EU noong Enero 21, kung saan nakasaad na dapat sabay-sabay at pantay na ipagkaloob ang mga bakuna sa iba’t-ibang miyembro ng EU ayon sa proporsisyon ng kani-kanilang populasyon.

 

Ipinahayag din nila na kung hindi tutupdin ang prinsipyong ito, posibleng magkakaroon ng napakalaking usapin sa pagitan ng mga bansang Europeo.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method