CMG Komentaryo: Tsina, naging pinakamalaking trade partner ng EU

2021-02-20 19:25:26  CMG
Share with:

Noong 2020, sa kauna-unahang pagkakataon, ang Tsina ay humalili sa Amerika, at naging pinakamalaking trade partner ng Unyong Europeo (EU).

 

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Eurostat, sa unang 10 malaking trade partner ng EU noong 2020, ang Tsina ay tanging bansa na naisakatuparan ang paglaki ng kapwa pagluluwas at pag-aangkat. Inangkat ng EU ang mga paninda na nagkakahalaga ng 383.5 bilyong Euro mula sa Tsina, na lumaki ng 5.6% kumpara sa 2019; samantala, iniluwas nito ang mga paninda na nagkakahalaga ng 202.5 bilyong Euro sa Tsina, na lumaki naman ng 2.2%.

 

Sa panahon ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), malaki ang pangangailangan ng mga bansa ng EU sa mga elektronikal na produkto, materyal na medikal, at iba pa. Nagresulta ito ng paglaki ng pagluluwas ng Tsina sa Europa.

 

Samantala, pagkaraang makontrol ng Tsina ang epidemiya sa loob ng bansa, at mapanumbalik ang mga produksyon at negosyo, bumangon ang konsumo ng Tsina at nagkaloob ito ng masiglang pamilihan sa mga paninda ng Europa na gaya ng kotse.

 

Bukod dito, magkasama ring nagsikap ang Tsina at EU sa pagtatakda ng mga patakaran, para mapanatili ang mainam na pundasyon ng bilateral na kalakalan at ibayo pang mapalakas ang kooperasyong pangkalakalan.

 

Bilang dalawang malalaking pamilihan sa daigdig, ang pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Europa ay makakatulong sa pagbangon ng kabuhayan ng daigdig, magpapasulong ng malaya at maginhawang kalakalan at pamumuhunan ng daigdig, at magbibigay ng mahalagang ambag para sa pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Sarah

Please select the login method