Ipinadala nitong Lunes, Marso 15 (local time), 2021 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), ang liham kay António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN upang ipagbigay-alam ang tungkol sa gagawing donasyon ng Tsina ng 300 libong bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mga tauhang pamayapa ng UN.
Napag-alamang preperensyal na gagamitin ang mga ito sa mga African mission zones.
Ipinahayag ng pirmihang delegasyong Tsino sa UN na ito ay hindi lamang kongkretong hakbang ng pagsasakatuparan ng Tsina ng pangako nitong gawing pampublikong produkto ang bakuna sa daigdig, kundi nagpapakita pa ng aktuwal na suporta ng Tsina sa UN at multilateralismo.
Salin: Lito
Pulido: Mac