Ayon sa impormasyong inilabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina nitong Miyerkules, Marso 17, 2021, patuloy na gaganapin, sa pamamagitan ng online platform ang Ika-129 na China Import and Export Fair o Canton Fair, mula ika-15 hanggang ika-24 ng Abril.
Ito ang ika-3 cloud Canton Fair sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa nasabing ministri, ang patuloy na pagtataguyod ng cloud fair sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ay makakatulong sa pagpapatibay ng mga natamong bunga ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.
Sa pamamagitan nito, ibayo pang titingkad ang papel ng Canton Fair bilang plataporma ng pagbubukas sa labas, at pangangalaga sa maalwang takbo ng industry chain at supply chain ng kalakalang panlabas.
Itatayo sa gaganaping Canton Fair ang espesyal na sona ng pagpapasigla ng mga nayon, upang tulungan ang mga kompanya na palawakin ang pamilihang pandaigdig sa mga rehiyong na-i-ahon sa karalitaan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio