Nitong nakalipas na ilang araw, naganap sa maraming lugar ng Amerika ang mga demonstrasyon bilang protesta sa mga krimeng dulot ng kapootan kontra mga Asyano.
Sa kasaysayan ng pandarayuan ng Amerika, mahalaga ang ginawang ambag ng mga Asyano para sa pag-unlad ng Amerika. Pagkaraang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sumasali sa mga gawain ng pagpigil sa pandemiya ang milyung milyong mga Asian-American na doktor at nars, para puspusang pangalagaan ang buhay at kalusugan ng mga mamamayang Amerikano. Pero sa kasalukuyan, nahaharap ang mga Asian-American sa malubhang banta ng krimen ng kapootan.
Tinukoy ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na ang mga karahasang madalas na naganap sa Amerika kamakailan ay rasismong dulot ng pag-uugnay ng COVID-19 sa Asya.
Ang direktang sanhi nito ay tikis na pagkakalat ng dating pamahalaang Amerikano ng mga kasinungalingan hinggil sa Tsina, dahil sa personal na kapakanang pulitikal, at pag-udyok ng kapootang panlahi.
Ang kakulangan sa mithiin at motibo ng liderato ng Amerika sa pagresolba sa mga problema ay masusing sanhi rin ng pagtatanging panlahi sa loob ng bansa.
Sa kasalukuyan, pinag-uukulan ng komunidad ng daigdig ng pansin ang palala nang palalang kalagayan ng karapatang pantao sa loob ng Amerika. Sa panahon ng ika-46 na sesyon ng United Nations Human Rights Council, iniharap ng mga kinatawan ng 116 na bansa, mga kaukulang organo ng UN at mga organisasyong di-pampamahalaan ang 347 mungkahi sa pagpapabuti ng Amerika sa karapatang pantao.
Dapat mataimtim na pag-aralan ng mga pulitikong Amerikano ang nasabing mga mungkahi, at pangalagaan ang karapatang pantao, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, sa halip ng pananalita lamang.
Salin: Vera
Pulido: Mac