Sinabi nitong Lunes, Marso 22, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na maaaring magkaroon ng mutuwal na kaibigan ang Tsina at Amerika. Umaasa aniyang ipapakita ng panig Amerikano ang pagtitiwala sa sarili at pagkilos bilang isang malaking bansa, huwag pilitin ang ibang bansa na magkaroon ng papanigan, at huwag pilitin ang ibang bansa na makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at makapinsala sa kapakanan ng Tsina, kasunod ng Amerika.
Sa katatapos na High-level Strategic Dialogue ng Tsina at Amerika, maraming beses na binanggit ng panig Amerikano ang economic at military coercion ng Tsina sa mga kaalyansa ng Amerika. Pinasalamatan ng opisyal ng Australia ang pagsuporta ng Amerika sa panig Australian, pero inihayag din ng ilang bansa’t rehiyon na dapat maingat na pakitunguhan ang pagbuo ng Amerika ng “alyansa kontra Tsina.”
Kaugnay nito, tinukoy ni Hua na hindi kumakatawan sa komunidad ng daigdig ang Amerika at ilang umano’y kaalyansa nito. Sa katunayan, hindi kinikilala ng karamihan ng mga bansa ang Amerika bilang komunidad ng daigdig, hindi rin kinikilala ang American values bilang international values. Ang pananalita ng Amerika ay hindi kumakatawan sa opinyong pandaigdig, at ang mga alituntuning itinakda ng iilang bansa ay hindi nangangahulugan ng alituntuning pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac