Pagkaraang ipatalastas ng panig Tsino ang pagpapataw ng sangsyon sa mga kaukulang organo at indibiduwal ng Unyong Europeo (EU), ipinatawag ng ilang bansang Europeo na gaya ng Pransya at Alemanya ang mga embahador na Tsino.
Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Marso 24, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi katanggap-tanggap ang ganitong kasula-sulasok na kilos ng panig Europeo.
Saad ni Hua, batay sa mga kasinungalingan at pekeng balita, pinatawan ng sangsyon ng EU ang mga entidad at indibiduwal ng Tsina, sa katuwiran ng isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang, at ito ay hindi nararapat na probokasyon.
Aniya, ang ginawa ng Tsina ay lehitimo’t makatarungang reaksyon.
Hinding-hindi ilulunsad o pupukawin ng panig Tsino ang alitan, pero, hinding-hindi rin ito natatakot sa anumang sangsyon o banta, diin ni Hua.
Salin: Vera
Pulido: Rhio