Kaugnay ng magkakahiwalay na pagpapataw ng sangsyon ng Unyong Europeo (EU), Britanya, Kanada at Amerika laban sa mga kaukulang indibiduwal at organo ng Xinjiang sa katuwiran ng karapatang pantao, inihayag nitong Martes, Marso 23, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing pagkondena ng panig Tsino sa ganitong mga kilos, na sa kasinungalingan at pekeng balita.
Tinukoy ni Hua na sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagbubulag-bulagan ang nasabing mga pinakamaunlad na bansa sa usapin ng karapatan sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan, iginigiit ang “vaccine nationalism,” at nagtitinggal ng napakaraming bakuna kontra COVID-19 na lampas sa pangangailangan ng kani-kanilang populasyon – bagay na humantong sa kakulangan ng suplay ng bakuna sa mga umuunlad na bansa.
Hinimok niya ang nasabing mga bansa na huwag maliitin ang matibay na mithiin ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol sa kapakanan ng estado at dignidad ng nasyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio